Home HOME BANNER STORY ABS-CBN aapela sa suspensyon ng “It’s Showtime!”

ABS-CBN aapela sa suspensyon ng “It’s Showtime!”

MANILA, Philippines – Maghahain ng motion for reconsideration ang ABS-CBN matapos suspendihin ng Movie and Television Review Classifications Board (MTRCB) ang “It’s Showtime!” para sa 12 araw na airing.

Sa isang pahayag, sinabi ng ABS-CBN na natanggap na nila ang desisyon ng MTRCB na inilabas noong Lunes.

“We will submit a Motion for Reconsideration as we humbly maintain there was no violation of pertinent law,” ayon sa pahayag ng media network.

“We are also committed to working with the MTRCB to ensure that ‘It’s Showtime’ can continue to bring joy and entertainment to our noontime viewers.”

Matatandaang ipinatawag ng MTRCB ang mga producer ng noontime show dahil sa eksena sa pagitan ng hosts na sina Vice Ganda at Ion Perez sa segment na “Isip Bata” noong July 25.

Ayon sa MTRCB, nakatanggap sila ng reklamo na nagsasabing ito ay naglalarawan ng “indecent acts.”

Sabi ng MTRCB “It’s Showtime!” nakatanggap na ng dalawang babala ngayong taon sa di-umano’y hindi naaangkop na paggamit ng mga salitang “G spot” at “tinggil.” RNT