Home NATIONWIDE Absentee voting para sa midterm polls umarangkada

Absentee voting para sa midterm polls umarangkada

0
Absentee voting para sa midterm polls umarangkada

MANILA, Philippines- Mahigit 57,000 government employees, police at military personnel, maging mga miyembro ng media, ang nagsimulang bumoto nitong Lunes, sa paggulong ng three-day local absentee voting (LAV) period.

May kabuuang 29,030 military personnel, 23,448 police personnel, 4,206 government employees at 1,005 miyembro ng media na naka-duty sa May 12 polls ang maaari pa ring makaboto sa Martes (April 29) hanggang Miyerkules (April 30).

Ang maaari lamang iboto sa LAV ay senators at party-list groups mula 8 a.m. hanggang 5 p.m., at hindi na papayagang makaboto sa kanilang regular precincts sa araw ng eleksyon.

Ang LAV para sa government employees ay ikinasa sa pamamagitan ng Executive Order 157 noong 1987 at Republic Act 7166, o ang 1991 Synchronized Election Law, habang pinayagan ang media personnel na gawin ito sa pamamagitan ng Republic Act 10380 na isinabatas noong 2013. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here