Home METRO Storage facility sa QC nagliyab

Storage facility sa QC nagliyab

0
Storage facility sa QC nagliyab

MANILA, Philippines- Nasunog ang isang abandonadong bodega sa South Bound Sector 5, Barangay Commonwealth sa Quezon City nitong Lunes ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas ang sunog sa 1st alarm ng alas-5:32 ng umaga at umakyat sa 2nd alarm ng alas-5:33 ng umaga.

Idineklarang under control ang sunog ng alas-6:10 ng umaga at naapula ng alas-6:40 ng umaga.

Sa kasalukuyan, walang naiulat na nasugatan sa insidente.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here