MANILA, Philippines – Dinisbar ng Supreme Court (SC) ang isang abogado matapos mapatunayan na nagkaroon ng maraming kabit at sekswal na pag-atake sa kanyang kasambahay at sekretarya sa opisina.
Sa per Curiam Decision ng Supreme Court En Banc, hinatulan na guilty ang hindi na pinangalanan na abugado ng apat na bilang ng grossly immoral conduct sa ilalim ng Code of Professional Responsibility and Accountability.
Inamin mismo ng abugado na nagkaroon siya ng extramarital relations sa tatlong babae at nagpakasal sa ibang babae kahit kasal pa ito sa tunay na asawa.
Napatunayan din na nagkasala ito ng sexual harassment sa kanyang kasambahay at law secretary sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng mga pornographic material at pakikipag-usap ng malaswa.
Pinatawan siya ng Korte ng parusang disbarment para sa unang dalawang bilang, at suspension sa huling dalawa. Pero dahil isang beses lang siya maaaring ma-disbar, pinagmulta rin siya ng P400,001.
“The Court imposed the supreme penalty of disbarment for the first two counts and suspension for the last two. Because of his
disbarment for the first count, the latter penalties may no longer be imposed, but he was still fined PHP 400,001.00.” Teresa Tavares