Home NATIONWIDE Aburidong hostage taker na may kutsilyo bugbog-sarado ng taumbayan

Aburidong hostage taker na may kutsilyo bugbog-sarado ng taumbayan

219
0

Bulacan – Bugbog-sarado sa taumbayan ang umano’y aburidong lalaking nang hostage matapos dambahin ng mga pulis sa palengke ng lungsod Baliwag nitong Agosto 13.

Sa report kay PCOL Angel Garcillano, Provincial Director ng Bulacan police, naganap ang insidente bandang 1:35 ng madaling araw sa Baliwag public market, Brgy. Poblacion.

Ayon sa report, nang makarating sa Baliwag police station ang impormasyong may nagaganap na hostage taking ay agad rumesponde ang kanilang mga pulis sa lugar.

Sa Facebook post na nagviral tungkol sa nasabing insidente, kitang nakikipag-diyalogo ang mga pulis sa lalaking may naka-ambang kutsilyo at nagbabantang sasaksakin ang hawak-hawak na biktima.

Nanatiling kalmado naman ang biktima ng mga oras na iyon habang kinakalma niya at tinatapik ang balikat ng aburidong suspek.

Lingid sa kaalaman ng hostage taker na walang balak sumuko na may isang pulis na nasa likod niya na biglang dumamba sa kanyang kamay na may hawak na kutsilyo.

Sinabayan na rin nang damba ng mga pulis na naroroon habang umunday na rin ng sunod-sunod na suntok ang lalaking biktima at ilang kalalakihang nasa lugar.

Dahil dito, pinuri ni Garcillano ang mabilis, matapang at makabayang aksyon ni PMSG Francis Damian at mga kasamahan sa Baliwag police station na nagligtas ng buhay sa posibleng trahedya. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here