Home ENTERTAINMENT AC, nilaglag sina Darren at Cassey!

AC, nilaglag sina Darren at Cassey!

Manila, Philippines – Consistent sa pagtanggi itong sina Cassey Legaspi at Darren Espanto sa kanilang relasyon.

Maging ang mga kampo ng dalawa ay ipinangangalandakan na close friends lang talaga ang mga ito.

Well, nang makausap ng inyong lingkod si AC Bonifacio na isa sa cast ng Mukbang episode ng Shake, Rattle & Roll Extreme, ay kinumpirma ng young dancer-actresss na magsyota na sina Cassey at Darren.

Matagal na raw silang magkaibigan ni Darren, at dahil sa sobrang close nila sa isa’t-isa ay hindi na sila nagtatago ng sikreto.

“Yeah sila na po talaga (she’s reffering to Darren and Cassey).

“Me and Darren we’re very close friends lang at hindi po kami naging mag-on and we are very supportive po to each other,” say pa ni AC.

And she’s very happy at napasama siya sa pagbabalik ng iconic classic Pinoy horror film series na Shake, Rattle And Roll Extreme, na intended for submission sa Metro Manila Film Festival 2023.

“Me and Paul Salas and other cast are in the episode of Mukbang po. Sobrang scary at surprise po kung ano ‘yung kakainin naming Mukbang.

“I feel lucky to be part of this iconic movie po. And I’d like to thank Mother Lily and Ma’am Roselle for believing in me po na kinuha nila ako rito,” sunod-sunod pang pahayag ng Kapamilya star.

At natutuwa raw siya at lahat ng friends niya including Darren ay happy sa kanyang career.

“Masaya sila and proud of me po na naging part ako ng Shake, Rattle & Roll Extreme,” pagtatapos pa nito with all her pretty smile. Mapapanood na ang SRR Extreme soon in cinemas nationwide. Peter Ledesma