Home ENTERTAINMENT Acting ni Alden, inokray!

Acting ni Alden, inokray!

Manila, Philippines – Mema!

Ito ang sagot ng isang tagapagtanggol na netizen sa obserbasyon ng kapwa netizen sa nakakaumay na akting daw ni Alden Richards.

Obyus na ang pinanggagalingan ng basher ng Kapuso actor ay ang ipinamalas nitong pagganap sa Hello Love Goodbye.

Kaya may panawagan ito sa magdidirek ng sequel na si Cathy Sampana, sana raw ay kinorek nito ang akting ni Alden sa Hello Love Again.

Hindi naman nagpakatinag ang isang defender ni Alden refuting the basher’s statement.

Anito: “Napanood mo nga ba ang HLG? Alden drew different emotions in the movie. He cried, he laughed, he was flirty, he was scared! Mema ka lang!”

Samantala, may patikim na ang ilang cast members na nasa Hongkong para sa shoot ng HLA.

Nasa advance party si Alden alongside Joross Gamboa and Jeffrey Tam.

In one photo, makikitang nag-bond ang tatlo habang naglalaro ng Mobile Legends.

Mapapansing tadtad ng tattoo sa katawan si Jeffrey habang scruffy o mabuhok si Joross.

Ayon sa mga netizens, among the three ay si Alden lang ang mukhang malinis. Ronnie Carrasco III