Home HOME BANNER STORY Adjusted working hours, ipinatupad na sa NCR LGUs

Adjusted working hours, ipinatupad na sa NCR LGUs

MANILA, Philippines – Nagsimula na ngayong araw, Mayo 2, ang implementasyon ng adjusted work schedule para sa mga empleyado ng mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR).

Matatandaan na nagkasundo ang mga alkalde ng Metro Manila na palitan ang working hours sa kanilang mga city at municipal government offices mula alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, mula sa dating alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon upang maibsan ang problema sa trapiko.

“Unang araw pa lang ng pagpapatupad natin ng pag-shift ng oras to 7a.m. to 4 p.m. Inaasahan po natin na makakatulong po ito sa daloy ng trapiko,” ayon kay Metro Manila Council president Francis Zamora.

“Sapagkat ang layunin natin umiwas yung mahigit 100,000 kawani ng mga pamahalaang lungsod dito sa Metro Manila sa rush hour,” dagdag niya.

Upang makita ang epekto ng alternative work schedule ay magkakaroon ng monitoring sa dami ng mga sasakyan at sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila.

Sa initial period ng mas maagang working hours, sinabi ni Zamora na kailangang magtrabaho ng skeletal forces sa mga mahahalagang serbisyo ng LGU, mula alas-4 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon para sa mga residenteng hindi pa alam ang pagbabago ng oras sa mga munisipyo at city hall.

Kamakailan ay nagpasa ng resolusyon ang MMC na nagbibigay mandato sa pagbabago ng working hours sa mga LGU.

“The persistent traffic congestion in Metro Manila demands innovative solutions for the improvement of commuting conditions and the well-being of the citizens of the NCR,” saad sa resolusyon.

“The findings derived from the MMDA study underscore the potential effectiveness of implementing a standardized working schedule for government offices in Metro Manila, particularly during peak hours, in reducing traffic congestion,” pagpapatuloy ng resolusyon.

Inabisuhan ang mga LGU sa NCR na mag-isyu ng ordinansa na magpapatupad ng adjusted working schedule. RNT/JGC