Home ENTERTAINMENT AESPA kabilang sa ‘2023 Most Influential Woman’ ng UK-based magazine!

AESPA kabilang sa ‘2023 Most Influential Woman’ ng UK-based magazine!

SOUTH KOREA – Pasok ang sikat na K-Pop group na aespa sa listahan ng ’25 Most Influential Women of 2023′ ng isang British business magazine.

Nitong Disyembre 1, inanunsyo ng Financial Times ang listahan ng kanilang ‘The FT’s 25 most influential women of 2023’ sa kanilang official website.

Kabilang dito ang aespa, sila ang nag-iisang K-Pop group na nakasama sa listahan.

Kasama nila rito ang Pop star na si Beyonce, director na si Margot Robbie, at fashion designer na si Phoebe Philo.

Ayon sa Financial Times, bagama’t namamayagpag din ang mga K-Pop boy groups sa buong mundo partikular na sa charts, marami ring malalaking event ang dinaluhan ng aespa kabilang ang Coachella, kabi-kabilang world tour at pagkakaroon ng 1 million sold copies sa unang linggo pa lamang ng release ng kanilang album.

Congratulations, aespa! RNT/JGC