Home NATIONWIDE Groom pinatay ng Thai para-athlete sa kanilang kasal

Groom pinatay ng Thai para-athlete sa kanilang kasal

BANGKOK, Thailand – Pinaslang ng isang decorated Thai para-athlete ang kanyang nobya at apat na iba pang tao sa kanilang mismong kasal bago nagpakamatay at magbaril sa kanyang sarili, ayon sa pulisya.

Binaril ni Chaturong Suksuk, 29, isang ASEAN Para Games silver medalist, ang nobya niyang si Kanchana Pachunthuek, ang ina nito at kapatid sa kanilang kasal sa hilagang-silangan ng Thailand noong Sabado.

“They had an argument on private matters and Chaturong walked to his car and picked up a gun before shooting,” ani Matichon Wongbaokul, isang police officer mula northeastern Nakhon Ratchasima province.

Isa naman sa mga biktima ay bisitang tinamaan ng ligaw na bala.

Isang manlalangoy, si Suksuk ay nanalo ng dalawang pilak na medalya sa 2022 ASEAN Para Games sa Indonesia at Cambodia.

Iniulat ng lokal na media na ang suspek ay isang Thai army ranger, at nawalan ng kanang paa habang nagpapatrolya sa mga hangganan.

Bagama’t karaniwan nang bihira ang mga mass shooting, ang pag-atake ay dumarating ilang buwan pagkatapos ng isang mall assault noong nakaraang buwan na ikinamatay ng tatlo. RNT

Previous articleValid ID na may pekeng impormasyon ginagamit pang-scam ng bangko – NBI
Next articleAESPA kabilang sa ‘2023 Most Influential Woman’ ng UK-based magazine!