Home NATIONWIDE Valid ID na may pekeng impormasyon ginagamit pang-scam ng bangko – NBI

Valid ID na may pekeng impormasyon ginagamit pang-scam ng bangko – NBI

MANILA, Philippines – Inaresto na mga awtoridad ang apat na miyembro ng umano’y “Frankenstein” fraud syndicate na gumagamit ng valid IDs na may pekeng impormasyon upang makapang-scan ng bangko para sa loan.

Sa ulat ng 24 Oras, pinangunahan ng NBI-Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang pag-aresto sa mga suspek sa entrapment operation sa kanilang opisina noong Miyerkoles, Nobyembre 29.

Nadiskubre ng NBI ang mga legit ID cards na may detalye ng impormasyon gaya ng pangalan, kapanganakan at address ngunit may kaparehong larawan.

Ayon pa kay NBI-AOTCD chief Jerome Bomediano bumuo din ang mga suspek ng legit na kumpanya.

Bukod dito, gumawa rin sila ng website kaya ang mga bangko aniya kapag nag si-CI sa mga nag-aapply ng loan ay meron din silang HR na taga-sagot.

Bilang pag-iingat, pinaalalahanan ng NBI ang mga financial institution na manatiling vigilant at maging istrikto pagdating sa pagsasagawa ng credit investigation sa kanilang mga kliyente.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)