Home NATIONWIDE Batangas, Cavite at OrMin makararanas ng tagtuyot sa Disyembre

Batangas, Cavite at OrMin makararanas ng tagtuyot sa Disyembre

MANILA, Philippines – Posibleng makaranas ng tagtuyot ang ilang lalawigan sa Disyembre dahil sa El Niño, babala ng weather bureau nitong Huwebes, Nobyembre 30.

Ang Batangas, Cavite at Oriental Mindoro ay inaasahang makararanas ng tagtuyot, habang ang mga lugar sa Cordillera Administrative Region gaya ng Benguet, Ifugao, Kalinga, Apayao ay posibleng makaranas ng dry spells.

Sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather specialist Joey Figuracion na ang ibang lugar ay maaari ding makaranas ng dry spells — Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Aurora at Palawan.

Sa isang televised briefing, sinabi ni Figuracion na ang mga lugar na nakararanas ng tagtuyot ay tumatanggap ng mas mababa sa normal na pag-ulan sa loob ng limang magkakasunod na buwan, o mas mababa sa normal na pag-ulan sa loob ng tatlong buwan.

Binanggit din ni Figuracion na inaasahan ng PAGASA ang mas mataas na temperatura na aabot sa 39 degrees Celsius sa bansa sa susunod na buwan.

Gayunpaman, ang bansa ay maaari pa ring magkaroon ng isa hanggang dalawang tropical cyclones bago matapos ang taon, ayon kay Figuracion. Santi Celario

Previous articleInflation forecast nitong Nobyembre nasa 4 hanggang 4.8% – BSP
Next articleValid ID na may pekeng impormasyon ginagamit pang-scam ng bangko – NBI