Home NATIONWIDE Smartmatic disqualification pinangatwiranan ng Comelec

Smartmatic disqualification pinangatwiranan ng Comelec

MANILA, Philippines – Binigyang-katwiran ng Commission on Elections ang disqualification ng Smartmatic mula sa procurement biddings at ipinunto na isinagawa ang desisyon administratively.

Ito ay matapos sabihin ng Smartmatic, sa isang pahayag nitong Huwebes na ang batayan ng Comelec para sa diskwalipikasyon nito ay “false and non-existent.”

Iginiit ng Smartmatic na ang disqualification ay “legally wrong” at “unfair”, na idiniin na hindi pa ito pinaratangan sa US para sa mga kaso ng panunuhol laban kay dating Comelec chief Andres Bautista

Sinabi rin ng Smartmatic na hindi rin sila nabigyan ng pagkakataon na tumugon sa mga batayan na ginamit ng Comelec bilang tiyak na basehan para ma-disqualify ito.

Ngunit sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, sa isang press conference na ang election body ay naninindigan sa kanilang desisyon na idiskwalipika ang Smartmatic.

“It was a very difficult decision, but nonetheless, it was the right decision, and we will stand firm on what the Comelec en banc has decided,” sabi ni Garcia.

Ayon kay Gracia, isinagawa ng Comelec ang desisyon sa pamamagitan ng quasi-judicial at administrative function nito.

“Ang ibig sabihin ‘pag administrative function, we can act based on something we are fully aware of, not necessarily because it is contained in any petition or whatever,” saad ni Garcia.

Idinagdag ni Garcia na ang batayan nito para sa diskwalipikasyon — o ang umano’y scheme ng panunuhol sa pagitan ng Smartmatic at Bautista — ay talagang nakapaloob sa mga supplementing documents sa petisyon na tinugunan ng Comelec.

Binanggit pa ni Garcia na sa administratibong kapangyarihan ng Comelec, maaari sana itong magpasya na i-disqualify ang Smartmatic nang walang kaso, ngunit sa halip, hinayaan nilang dumaan ang petisyon sa “malawak na talakayan at pagdinig.”

“Kayo na lang ang mag-conclude kung nagkaroon ng violation of equal protection laws or selective justice so to speak,”pahayag ni Garcia sa mga mamahayag.

Sinagot din ni Garcia ang pahayag ng Smartmatic na hindi sila binigyan ng pagkakataon na idepensa ang kanilang sarili.

Giniit ng poll chief na binigyan nila ng pagkakataon ang Smartmatic na tugunan ang nasabing mga alegasyon.

“The Rio (Eliseo Rio Jr.) petition and et. al. is not a single petition there are other documents doon so ibig sabihin kung pinasagot ka rito malamang lamang pinasagot ka rin doon, kung hindi ka sumagot doon ay it’s your call bakit hindi ka sumagot doon. Ang importante you were notified,” sabi ni Garcia.

Aniya, lahat ng petisyoner at respondent ay binigyang pagkakataon na marinig. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleAESPA kabilang sa ‘2023 Most Influential Woman’ ng UK-based magazine!
Next articleP1.1M pang-tuition nalikom sa Batangas Alay Lakad