Home METRO P1.1M pang-tuition nalikom sa Batangas Alay Lakad

P1.1M pang-tuition nalikom sa Batangas Alay Lakad

BATANGAS CITY- UMABOT sa ₱1.119 milyon ang nalikom ng Batangas Province Alay Lakad Foundation, Inc. (BPALF), sa ginanap na 48th Alay Lakad o “walk for a cause” na sinalihan ng nasa 3,000 indibidwal mula sa pribado at pampublikong sektor sa lungsod na ito noong Miyerkules na may temang “Ituloy ang Lakad para sa Kabataan,”.

Ayon kay Sinabi ni Dr. Tirso Ronquillo, presidente BPALF, na ang nasabing aktibidad ay nagmarka ng sama-samang pagsisikap ng bawat sektor upang magbigay ng magandang kinabukasan sa mga kabataan upang tumulong sa paglikom ng pera para sa matrikula para sa mga out-of-school youth ng lalawigan.

Sinabi ng pamahalaang panlalawigan na ang naturang aktibidad ay nakapagbigay ng ₱1.119 milyon mula sa mga donor ng pribado at pampublikong sektor.

Ilan sa mga kilalang donor ay kinabibilangan ng mga opisyal at empleyado ng Department of Education-Batangas, Philippine National Police, Department of the Interior Local Government, Technical Education and Skills Development Authority, National Food Authority, Government Service Insurance System, Commission on Audit, pamahalaang munisipyo. ng Agoncillo, pamahalaang lungsod ng Sto. Tomas, Batangas State University, Unibersidad ng Batangas, SM City Batangas, Philippine Long Distance Telephone Company.

Nag-donate rin ng ₱300,000 si Mataas na Kahoy Vice Mayor Jay Ilagan, na siya ring presidente ng Vice Mayors’ League of the Philippines-Batangas Chapter.

Ang pamahalaang panlalawigan, sa pamamagitan ni Gobernador Hermilando Mandanas, ay nagdagdag ng ₱500,000 sa kontribusyon.

Ani Mandanas na ang kaganapan ay simbolo ng pakikiisa sa lahat ng kabataan sa lalawigan, lalo na sa mga kabataan walang kakayahan makapag-aral.

“Ang kaganapang ito ay nagpapahiwatig na tayo ay lalakad nang magkasabay at walang maiiwan sa probinsya ng Batangas,” aniya.

Dagdag pa ni Mandanas na mayroong mahigit 45,000 iskolar ang pamahalaang panlalawigan, kung saan gumagastos ito ng mahigit ₱400 milyon sa taunang tulong pang-akademiko, ang pinakamalaking badyet para sa edukasyon sa lahat ng mga lalawigan sa bansa.

Kabilang sa programa ng BPALF ang scholarship, skills training at leadership training.

“We believe that investment in youth will really last for everyone, ang mga kontribusyon sa foundation ay makikinabang sa mga kabataang walang sapat na kapasidad para magpatuloy sa kanilang pag-aaral at matustusan ang pagsasanay na isinasagawa ng grupo.” saad pa ni Ronquillo./Mary Anne Sapico

Previous articleSmartmatic disqualification pinangatwiranan ng Comelec
Next articleDigitalization sa HR sector isinusulong ng CSC