Home NATIONWIDE Digitalization sa HR sector isinusulong ng CSC

Digitalization sa HR sector isinusulong ng CSC

MANILA, Philippines – HINIKAYAT ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles ang mga human resource management practitioners (HRMPs) na isulong ang digitalization upang matiyak na mapabilis ang pagbibigay ng serbisyong sibil.

Sa mensahe ni Chairperson Nograles sa 21st Regional Conference of HRMPs sa Cordillera Administrative Region (CAR) na ginanap noong Nobyembre 22-23, 2023 sa Newtown Plaza Convention Center, Baguio City, hinimok nito ang mga HR practitioner na maging maagap sa pagtataguyod ng mga dinamikong sistema at proseso ng HR na maaaring matugunan ang mga kinakailangan ng isang modernong serbisyo sibil.

“Civil servants are the nuts and bolts that make the government machinery work. The effectiveness of our bureaucracy largely depends on the quality of our human resources, and this is where all of you, as human resource management practitioners, have an integral role. We rely on your sound discretion in selecting individuals, and digitalization is a key component of this endeavor,” ano Nograles.

Nabatid na mahigit 400 HRMPs mula sa iba’t ibang ahensya ng pambansang pamahalaan, local government units, at state universities and colleges sa CAR ang dumalo sa regional conference na inorganisa ng CSC CAR upang talakayin ang mga nauuso at nauugnay na mga isyu sa HR management at organizational development.

Sa temang “Embracing the Power of Dynamism: Navigating Change and Innovation in Human Resource Management,” ang dalawang araw na programa ay nakatuon sa paglinang ng dinamismo sa serbisyong sibil tungo sa isang burukrasya na may mga karampatang empleyado at lider na maaaring umangkop sa mga biglaang pagbabago.

Kabilang sa mga subject matter expert para sa siyam (9) na sesyon ng plenaryo sa paggamit ng digitalization ay sina CSC Acting Assistant Commissioner for Professionalization and Cooperation Judith Dongallo-Chicano at Office for Financial and Assets Management Acting Director IV Maria Victoria Salazar; Pwersa ng Bayaning Atleta Partylist Representative Margarita Nograles; Government Service Insurance System North Luzon Office Vice President Rodrigo Manuel; Baguio City Vice Mayor Faustino Olowan; Regional Development Council – Cordillera Chairperson at Apayao Governor Elias Balut Jr; Baguio City HR Management Officer Atty. Augustin Laban III; at Department of Information and Communications Technology – CAR Administrative Officer IV Ms. Jennifer Mejia-Dizon.

Iginawad din ng CSC ang Programa sa Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management (PRIME-HRM) Bronze Award sa Benguet State University, Municipal Government of Bauko Mountain Province, Department of Education Division ng Mountain Province, at Bureau of Internal Review CAR para sa nakakatugon sa maturity level II sa mga System, Practices, at HR competencies sa lahat ng HR core areas.

Isa pang highlight ng conference ay ang ceremonial garbing ni Chairperson Nograles para opisyal na tanggapin siya bilang honorary Cordilleran. Siya ay pinalamutian ng Baya’ung, Pungot, at iba pang tradisyonal na kasuotan.

Nanawagan din si Chairperson Nograles sa lahat ng mga civil servants na suportahan ang mga pagsisikap ng gobyerno tungo sa digital transformation sa burukrasya.

“These changes should empower and not intimidate our civil servants. In this digital age, our civil servants must embrace continuous learning and upskilling to remain relevant and effective. We should view digital transformation as a catalyst for personal and professional growth, enabling the government workforce to deliver better public services to the citizens we serve,” pagtatapos ni Chairperson Nograles.