Home HOME BANNER STORY AFP: Mga barko, chopper ng Tsina namataan sa PH-US-Canada WPS joint drills

AFP: Mga barko, chopper ng Tsina namataan sa PH-US-Canada WPS joint drills

MANILA, Philippines- Sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Huwebes na na-monitor ang presensya ng mga Chinese sa pagsasagawa ng joint drills nito kasama ang United States at Canada sa West Philippine Sea (WPS).

“There were three [People’s Liberation Army Navy] ships, one oceanographic surveillance ship, and one helicopter monitored from a distance during the activity,” pahayag ni AFP public affairs office chief Colonel Xerxes Trinidad.

“Established and agreed upon protocols were observed and all have their respective [Rules of Engagements] for any adverse situation,” wika pa ng opisyal.

Hindi nakialam ang Chinese ships at chopper sa pagsasanay, base kay Trinidad.

“The monitored PLAN and other assets did not interfere during the 7th MMCA. The exercise proceeded as planned,” aniya, tinutukoy ang 7th Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) nitong Miyerkules sa pagitan ng Pilipinas, United States, at Canada sa WPS.

Sinabi ni AFP chief General Romeo Brawner Jr. na ito ay upang ipakita ang “collective commitment to strengthen regional and international cooperation in support of a free and open Indo-Pacific.”

Nang kunan ng komento ukol sa pahayag ni Trinidad, binanggit ng Chinese Embassy sa Manila nitong Huwebes ang pahayag ni Tian Junli, tagapagsalita para sa Southern Theater Command.

Tinukoy ni Tian ang territorial sovereignty at maritime interests ng China sa lugar, idinagdag na nag-imbita umano ang Pilipinas ng mga bansa sa labas ng rehiyon upang mag-organisa ng “joint patrols.”

Aniya, tinangka umano ng Pilipinas na pagtakpan ang umano’y illegal infringement nito sa maritime rights ng China at pinahina ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea sa pamamagitan ng umano’y military provocations at media hype.

Nauna nang dumepensa si Chinese Foreign Ministry spokesperson Guo Jiakun sa presensya ng kanilang vessels sa EEZ ng Pilipinas.

Nanindigan si Guo na ang CCG “conducts patrols and law enforcement activities in relevant waters in accordance with the law, which is fully justified.”

Patuloy ang tensyon sa pag-angkin ng Beijing sa halos kabuuan ng China Sea kahit na noong 2016, pinaboran ng Permanent Court of Arbitration sa Hague ang Pilipinas mula sa claims ng China sa South China Sea, sinabing wala itong legal basis.

Patuloy ang pagbalewala ng China sa desisyon. RNT/SA