Home NATIONWIDE AFP walang opisyal na report na natanggap ukol sa 3 Pinoy na...

AFP walang opisyal na report na natanggap ukol sa 3 Pinoy na arestado sa ‘pag-eespiya’ sa Tsina

MANILA, Philippines- Sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala itong natanggap na anumang official report ukol sa pag-aresto sa mga Pinoy na umano’y nag-espiya sa Tsina.

“On the part of the Armed Forces of the Philippines, we have not received any official reports from relative authorities,” ang sinabi ni AFP public affairs office chief Colonel Xerxes Trinidad.

Nang tanungin hinggil sa sinasabing handler ng inarestong mga Pinoy na iniuugnay sa Intelligence Service ng AFP, sinabi ni Trinidad: “I cannot proclaim those particular statements. And we have yet to receive official reports that those are the claims of this particular country or any institutions or agency.”

“Again, I think it was, as we heard from other news in social media, they’re claiming to be reporting to Philippine Intelligence Agency pero wala po tayo noon,” dagdag na pahayag nito.

Nauna rito, nanindigan ang China na espiya ang tatlong inarestong Pilipino.

Ayon kay China Foreign Ministry spokesman Lin Jian, naglabas na umano ang Chinese authorities ng detalyadong impormasyon sa mga aktibidad ng pag-eespiya na ginawa umano ng nasabing mga Pilipino sa China.

Iginiiit din ng Chinese official na hawak na ng judicial at kaukulang awtoridad ang kaso laban sa 3 Pilipino na base umano sa facts o katotohanan at alinsunod sa batas.

Sa isang press conference nitong Lunes sa Beijing, inakusahan ni Lin ang Pilipinas ng pag-iimbento umano ng mga serye ng tinatawag na Chinese spy cases sa pamamagitan ng aniya’y “stigmatization at politicization” base sa presumption of guilt nang walang malinaw na ebidensya, bagay na mariin umano nilang tinututulan at naghain na umano sila ng protesta laban sa Pilipinas nang ilang beses.

Tiniyak naman ng Chinese official na istriktong lilitisin ang kaso ng tatlong Pilipino alinsunod sa batas at poprotektahan ang kanilang legal na karapatan at interes kasunod ng panawagan ng gobyerno ng Pilipinas sa China na protektahan ang kanilang karapatan at bigyan ng due process.

Sa panig naman ng Pilipinas, nauna ng itinanggi ng National Security Council (NSC) ang akusasyon ng China laban sa tatlong inarestong Pilipino.

Ayon kay NSC spokesman Assistant Director-General Jonathan Malaya, mga ordinaryong mamamayang Pilipino na walang military training ang inaresto. Kris Jose