Manila, Philippines- Inilabas agad ni Cristy Fermin si Kathryn Bernardo sa umano’y gulong kinasangkutan ng ilang aktor na dumalo sa ABS-CBN Ball kamakallan.
Naganap ang pagtitipon sa Solaire North sa Quezon City nitong April 4.
Tungkol kay Kathryn, pinasinungalingan ni Cristy that the actress was near anywhere the incident na kinasangkutan ng mga attendees.
Ang mga ito–on one hand–ay sina Richard Gutierrez at Daniel Padilla.
Sa isang banda naman ay binubuo ito nina Kyle Echarri at JK Labajo.
Binanggit ni Cristy ang kanyang source bilang katabi ng dalawang kampo.
Aniya, tahimik lang daw si Daniel na nag-iisa muna.
Maya-maya’y lumapit daw sa kanya si Kyle na nag-astang maangas.
Si JK naman ay umaali-aligid, na nakanguso kay Kyle.
Wari’y ang gusto raw sabihin ni JK kay Kyle ay: “Banatan mo na!”
Ang tinutukoy ni JK na banatan ni Kyle ay ang nananahimik na si Daniel.
Sa puntong ito raw ay lumapit na si Richard, na naka-sense ng ‘di maganda para kay Daniel.
Sina Richard at Daniel ay magkasama sa teleseryeng Incognito.
Kung ano’t anuman daw ang mangyari ay naroon si Richard para protektahan si Daniel.
Ang pagpapang-abot na ito’y naganap sa ibaba pa lang bago sila umakyat sa Skybar.
Hanggang Skybar daw ay hindi pa rin daw nagpatinag si JK, kaya hayun, nasampolan ni Richard sa ulo!
“Eh, ‘di nakita mo ang hinahanap mo!” ani Cristy addressed to JK.
Dinepensahan ni Cristy sina Richard at Daniel na walang record na nagsisimula ng gulo mula’t sapul.
Kasabay nito’y binarag ni Cristy sina Kyle at JK na kebagu-bago lang sa showbiz ay akala mo na kung sino umasta.
Binanggit din ni Cristy ang away noon ni JK versus Darren Espanto at pagiging umano’y war freak nito.
Bukas ang Remate Online sa panig nina Kyle at JK. Ronnie Carrasco III