Home NATIONWIDE Agarang pagpasa ng National wage law hangad ng solon

Agarang pagpasa ng National wage law hangad ng solon

208
0

MANILA, Philippines – Hiniling ni House Committee on Labor and Employment Chairman at Cavite Rep. Jolo Revilla sa Kongreso ang agarang pagpasa sa national wage law upang upang matiyak ang “momentum” sa pagbaba ng unemployment rate sa bansa.

Ayon kay Revilla, ang pagbaba ng un-employment rate na nasa 4.4 percent ay patunay na paglakas ng ekonomiya, aniya, para masiguro na magtutuloy-tuloy ito ay dapat may batas na para mabago ang wage system.

“Hindi sapat na may trabaho ang ating mga kababayan, ang tunay na sukatan ng ating tagumpay ay ang pagkakaroon ng trabaho na may dignidad, magandang sahod, at seguridad sa hanapbuhay,” pahayag nito.

Sinabi ni Revilla na ang pagkakaroon ng National Minimum Wage System ang syang magbibigay katapusan sa matagal nang problema sa hindi tamang pasahod.

“Magandang balita ang pagbaba ng unemployment rate, pero malinaw rin na hindi sapat ang dami ng trabaho kung hindi patas ang sahod. Kailangan nating wakasan ang sistemang nagpapababa ng halaga ng trabaho base lang sa lokasyon,” paliwanag ng mambabatas.

Sa kasalukuyan ay naconsolidate na sa komite ni Revilla ang National Minimum Wage bill, layon nito na mag-establisa lamang ng isang single national wage at pag abolish na sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs).

“With the Committee’s adoption of the National Minimum Wage bill, we are one step closer to ending decades of unfair wage disparities among Filipino workers.Pantay ang trabaho, pantay dapat ang sahod—kahit saan ka pa nagtatrabaho,” dagdag pa nito.

Tiniyak ni Revilla na sa oras na maabolish na ang regional wage boards at magkaroon ng National Wages and Productivity Commission ay magbubukas ito sa mas marami pang trabaho, mas ganadong workforce dahil tama ang natatanggap na sahod at benepisyo.

“Ang pagbaba ng unemployment ay dapat sabayan ng pagtaas ng dignidad ng sahod.Kung patas ang pasahod, mas matatag ang kita ng pamilya, mas malakas ang konsumo, at mas pangmatagalan ang paglago ng ekonomiya,” paliwanag ni Revilla.

Bukod sa pagkakaroon ng tamang pasahod, tiniyak ng mambabatas na isusulong nito sa Kamara ang iba pang batas para masiguro ang karapatan ng mga manggagawa at mawakasan ang unfair labor practices, unsafe conditions at exploitation.

“Kasabay ng paglikha ng trabaho at reporma sa pasahod, dapat tiyakin ng gobyerno na protektado ang manggagawa laban sa pang-aabuso sa lugar ng trabaho,” pagtatapos pa ni Revilla. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here