Home NATIONWIDE Inaresto sa Sept. 21 rally, naghain ng counter-affidavit sa DOJ

Inaresto sa Sept. 21 rally, naghain ng counter-affidavit sa DOJ

173
0

MANILA, Philippines – Nagsumite ng counter-affidavit sa Department of Justice (DOJ) ang isa sa inaresto sa malawakang September 21 rally kontra korapsyon.

Sa pamamagitan ni Atty. Katherine Panguban ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), pinabulaanan ng 18-anyos niyang kliyente ang reklamong sedition at in citing to sedition na isinampa ng PNP-CIDG.

Giit ng abogado na walang partisipasyon sa kilos-protesta ang kanyang kliyente at nagkataon lamang itong bystander o nasa gilid lamang ng kalsada nang arestuhin ng mga pulis sa kasagsagan ng kilos protesta.

Ipinaliwanag nila sa DOJ ang tunay na nangyari sa pagkakaaresto sa kanilang kliyente at iginiit na walang seditious na ginawa ang mga ito at walang aktibong partisipasyon sa anti-corruption rally.

Mahigit 30 respondents ang nagsumite ng kontra-salaysay ngayong Enero 28, 2026. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here