MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang patuloy na aktibidad ng Mayon Volcano kabilang ang pagdaloy ng lava, pyroclastic density currents o “uson,” at rockfalls.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala alas-11:20 ng gabi noong Huwebes ang lava effusion at collapse-fed pyroclastic density currents sa Bonga at Mi-isi gullies. Namataan din ang minor Strombolian activity sa summit crater mula 10:32 p.m. hanggang 11:03 p.m.
“Effusive eruption at Mayon Volcano continues for the 131st consecutive day, generating incandescent lava flows, pyroclastic density currents (PDC) or ‘uson’, and rockfalls,” ayon sa ahensya.
Nanatili naman sa Alert Level 3 ang Mayon Volcano, kaya ipinagbabawal pa rin ng PHIVOLCS ang pagpasok sa loob ng anim na kilometrong Permanent Danger Zone. Santi Celario