Home LIFESTYLE HEALTH US ‘di pa napasok ng hantavirus – CDC

US ‘di pa napasok ng hantavirus – CDC

104
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention na wala pang naitatalang kumpirmadong kaso ng Andes hantavirus sa United States kaugnay ng outbreak sa luxury cruise ship na MV Hondius na ikinasawi ng tatlong pasahero.

Gayunman, sinabi ng US health officials na 41 katao ang mino-monitor dahil sa posibleng exposure sa virus, kabilang ang 18 naka-quarantine sa Nebraska at Atlanta.

Ayon sa CDC, kabilang sa mga mino-monitor ang mga pasaherong nakabalik na sa US bago pa matukoy ang outbreak, gayundin ang mga posibleng na-expose sa mga flight na may symptomatic passengers.

Sinabi ni Dr. David Fitter, incident manager ng CDC hantavirus response, na karamihan sa mga mino-monitor ay pinayuhang manatili sa bahay at umiwas muna sa pakikisalamuha habang nasa anim na linggong observation period.

“What I can say is that there are no cases in the United States,” ani Fitter sa isang press call.

Naiulat ang outbreak sa MV Hondius nitong unang bahagi ng Mayo. Ang Andes hantavirus ay pangunahing naipapasa ng rodents ngunit maaari ring maipasa mula tao sa tao sa mga bihirang pagkakataon.

Tatlo na ang nasawi sa outbreak — isang Dutch couple at isang German national.

Nauna nang sinabi ng World Health Organization na posibleng may madagdag pang kaso kaugnay ng cluster sa cruise ship, ngunit nilinaw nitong hindi ito maituturing na pandemic threat tulad ng COVID-19. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here