Home NATIONWIDE Agri-Partylist Rep. Lee buena mano sa paghahain ng COC

Agri-Partylist Rep. Lee buena mano sa paghahain ng COC

oppo_2

May buena mano nang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2025 midterm elections.

Alas-7 pa lamang ng umaga ay dumating na sa Manila Hotel si Agri-Partylist Rep. Wilbert Lee na ngayon ay tumatakbong senador sa ilalim ng Aksyon Demokratiko at matiyagang naghintay para sa pagbubukas o pagsisimula ng COC filing bandang alas 8:14 ng umaga.

Ayon kay Lee, ang kanyang pagtakbo ay upang mas bigyan ng pansin ang napakaraming suliranin ng ating mga kababayan.

Aniya tatlong suliranin ang kanyang isinusulong bagamat matagal na niyang ginagawa ito tulad ng murang pagkain sa hapag ng bawat Pilipino, tiyak na trabaho na may sapat na kita at mawala ang takot o pangamba sa bawat isa na nagkakasakit dahil walang pampaospital.aniya nais niyang gawing libre ang gamot .

“Dapat lahat mawalan ng takot at pangamba na magkakasakit ang bawat isa na nalukugmok sa kahirapan”, pahayag pa ni Lee.

Nais din niyang isulong at ipaglaban ang bawat Filipino na nalugmok sa kahirapan kung saan isusulong pa ang murang pagkain sa bawat pamilyang Pilipino.

“Sama-sama nating tahakin ang landas– pantay-pantay ang husaltisya para sa lahat”, ni Lee.

Mahalaga aniya na ang kanyang ipaglalaban ay para sa ating mga kababayan. Aniya kanyang ipagpapatuloy savsenado ang kanyang nasimulan.

Samantala, dumagsa naman ang tagasuporta ni Lee sa labas ng Manila Hotel sa kahabaan Katigbak Street .

Bagamat bumuhos ang ulan ay hindi natinag ang mga tagasuporta ni Lee kaya naman kanya itong pinasalamatan.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)