Home NATIONWIDE PWDs prayoridad pa rin kahit sa Kpop concerts – DOJ

PWDs prayoridad pa rin kahit sa Kpop concerts – DOJ

MANILA, Philippines – Dapat pa rin na prioridad ang mga Persons with Disabilities (PWDs) kahit sa pila sa pagbili ng tiket sa mga concert.

Ito ang inilabas na legal opinion ng Department of Justice (DOJ) bunsod ng naging reklamo ng isang PWD dahil sa kawalan ng express lane ng isang mall sa Maynila para sa pagbebenta ng tiket sa concert ng kanyang K-Pop idol.

Binigyan-diin sa opinion na pirmado ni Justice Raul Vasquez na malinaw sa Implementing Rules and Regulations ng RA 10754 o An Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability na kailangan may express lanes sa lahat ng establishimento sa bansa kahit ano pa man ang transaksyon ng mga PWD.

Una nang inindorso ng Department of Social Welfare and Development ang reklamo ng PWD sa National Council on Disability Affairs (NCDA) kung kaya dumulog ito sa DOJ para sa legal opinion.

Depensa naman ng mall na mayroon naman opsyon ang PWD na bumili na lamang ng tiket sa kanilang website o kaya ay magpabili ng tiket para sa kanila.

Iginiit ng mall operator na ipinatutupad ang ‘first come, first served policy’ upang matiyak na matatrato ng patas ang lahat ng pumula para makabili ng tiket.

Gayunman, iginiit ng DOJ na kailangan pa rin maging prioridad ang mga PWD sa lahat ng transaksyon.

“It is important to stress that the legislature used the word ‘all’ without exceptions or qualifications,” Vasquez said, adding that this language implies the law does not intend to differentiate between establishments or transactions involving widely available items and those in limited supply,” ani Vasquez.

Samantala, nilinaw ng DOJ na ang inilabas nilang legal opinion ay inilabas para sa gabay ng lahat. Teresa Tavares