MANILA, Philippines – Mahigit 200 libong bagong botante pa ang humabol sa huling araw ng voter registration kahapon, Setyembre 30, batay ito sa inilabas na bilang ng Commission on Elections (Comelec).
Sa datos, umabot sa 233,330 ang pumila at nakapagparehistro sa huling araw o voter registration deadline na itinakda ng komisyon para sa 2025 midterm elections.
Nanguna ang Region IV-A o Mimaropa sa pinakamataming botante na nagparehistro na nasa 33,749.
Sinundan ito ng Region III, na mayroong 27,196 ng registrants habang 20,433 sa National Capital Region (NCR).
Ang CAR naman ang may pinakamababang bilang ng mga humabol na nagparehistro na mayroong lamang 3,983 registrants.
Nauna nang nagpaalala si Comelec Chairman George Garcia sa mga botante na samantalahin ang huling araw ng voter registration dahil hindi na ito palalawigin pa.
Paliwanag ng Comelec, ang hindi pagbibigay ng extension sa voter registration ay upang mabigyan ng panahon o mapagtuunan ang pag-iimprenta naman ng mga balota na gagamitin para sa 2025 midterm elections. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)