Home NATIONWIDE ‘Agri-Puhunan at Pantawid Program’ inilunsad ng DA

‘Agri-Puhunan at Pantawid Program’ inilunsad ng DA

MANILA, Philippines- Opisyal na inilunsad ng Department of Agriculture ang Agri-Puhunan at Pantawid Program nitong Biyernes, isang inisyatiba ng pamahalaan na nag-aalok ng low-interest loans at financial support sa mga magsasaka.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang launch ceremony sa Alabel, Sarangani, binibigyang-diin ang layunin ng programa na ibsan ang financial burden sa mga magsasaka.

Sa ilalim ng APP, maaaring humiram ang mga magsasaka hanggang P60,000 kada cropping season na may 2% annual interest rate.

“Simula ngayon, hindi niyo na po kailangan alalahanin ang mataas na tubo na kaakibat ng inyong hinihiram,” wika ni Marcos.

Maaaring magbayad sa pamamagitan ng pagbebenta ng ani sa National Food Authority o sa pamamagitan ng DA-accredited cooperatives.

Gayundin, nagbibigay ang programa ng P8,000 monthly subsistence allowance sa loob ng apat na buwan– mula sa pagtatanim hanggang pag-ani.

“Sa panahon naman ng pagtanim hanggang sa pagaani, makakatanggap din kayo ng tulong pantawid na nagkakahalaga ng P8,000 tuwing unang linggo sa loob ng apat na buwan,” the dagdag ng Pangulo.

Makatatanggap din ang mga benepisyaryo ng Intervention Monitoring Cards, na magagamit upang makabili ng farming materials mula sa accredited suppliers.

Upang suportahan ang mga magsasaka, inanunsyo rin ni Marcos ang pamamahagi ng agricultural machinery, kabilang ang mobile disinfection truck at forage chopper, nilalayong palakasin ang productivity at kita. RNT/SA