Home NATIONWIDE Agri support sa mga magsasaka ng MisOr hatid ni PBBM

Agri support sa mga magsasaka ng MisOr hatid ni PBBM

MANILA, Philippines- Itinurn-over ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang iba’t ibang agricultural support projects sa mga magsasaka sa lalawigan ng Misamis Oriental.

Pinapatibay nito ang agenda ng administrasyon na gawing modernisado ang agrikultura sa pamamagitan ng strategic investments sa imprastraktura, teknolohiya at industry development.

Sa turn-over at launch ceremony na isinagawa sa bayan ng Balingasag, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang distribusyon ng major interventions mula sa Department of Agriculture – Northern Mindanao (DA-Regional Field Office 10), DA-PHilMech, at private sector partners sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) at SUnRISE Integrated Coconut Processing Facility (SUnRISE-ICPF) program.

Kabilang sa mga pinakamalaking proyekto na inihayag ay ang Mapulog-Tuboran Farm-to-Market Road sa bayan ng Naawan na nagkakahalaga ng P90.8 million.

“Sa buong rehiyon, nakapagtayo na tayo ng halos 70 kilometrong farm-to-market roads at mga tulay na tinatayang nasa 105 linyang metro,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati.

“The farm-to-market road projects have benefited nearly 16,000 Filipino families in the area,” dagdag na wika nito.

Kabilang naman sa karagdagang suporta ang P32.2 milyong halaga ng makinarya, equipment, facilities, at agricultural inputs. Sinamahan ng P78.1 million na rice farming technologies sa ilalim ng RCEF, total government-backed assistance na umabot sa mahigit sa P200 milyon.

Ang pinakamahalaga sa kaganapan ay ang paglulunsad sa P350-million SUnRISE Integrated Coconut Processing Facility, isang flagship public-private partnership kasama ang First Community Cooperative (FICCO), na naka-angkla sa transpormasyon ng coconut industry sa rehiyon.

“Seated on FICCO property, the facility will produce six high-value coconut products—including cocopallets, activated carbon, virgin coconut oil, coco flour, skim milk, and coco water—targeting export markets and aiming to increase the farm gate price of coconuts from P8 to P9 to P16 to P18 per nut,” ayon sa ulat.

Samantala, ang proyekto ay bahagi ng SUnRISE initiative—maikli para sa Solving Unemployment through Rural Industrialization, Sustainable and Enterprise development— na idinisenyo para itaas ang rural incomes at makapag-ambag sa layunin ng gobyerno na bawasan ang kahirapan at gawing single digits sa 2028. Kris Jose