Home NATIONWIDE Agusan del Sur niyanig ng M-5.9 na lindol

Agusan del Sur niyanig ng M-5.9 na lindol

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang Agusan del Sur nitong Sabado ng umaga, Pebrero 10.

Ayon sa PHIVOLCS, ang epicenter ng lindol ay naitala kanluran ng Esperanza.

Tectonic in origin ang lindol at tumama alas-11:22 ng umaga. May lalim itong 27 kilometro.

Naramdaman ang Intensity II ng lindol sa Kidapawan City sa Cotabato, at Intensity I sa Arakan at Kabacan, Cotabato.

Wala namang naitalang pinsala ngunit asahan ang aftershock kasunod nito. RNT/JGC