Manila, Philippines – Espesyal ang episode ng My Mother, My Story na ipalalabas sa
October 27.
Bale tuhog na rin ito dahil kaarawan ng host nitong si Boy Abunda sa October 29.
Ang panauhin naman niyang si Ai Ai de las Alas ay magdiriwang ng kanyang 60th birthday sa
November 11.
Naging paksa sa naturang show ang dalawang ina ng Comedy Queen–ang biological mother niyang si Gloria at adoptive nother na si Justa.
Kapwa pumanaw na ang dalawang ina ni Ai Ai.
Pero sa exclusive article sa PEP, hindi napigilan ni Ai Ai na kumawala ang kanyang emosyon sa sorpresang guest appearance ng kanyang panganay na anak na si Sancho Vito.
Kasama ring nag-guest ang anak-anakan ng komedyana na si Jiro Manio.
Si Jiro ay isa sa mga gumanap bilang anak ni Ai Ai sa blockbuster film na Tanging Ina ng Star Cinema.
Kung matatandaan, si Ai Ai ang nagpasok kay Jiro sa isang pribadong rehabilitation facility
nang magkaproblema ito sa pamilya.
It was also Ai Ai who transferred Jiro to a rehab center in Bataan.
Tinulungan din ni Ai Ai na tuntunin ang kinaroroonan ng biological father ni Jiro sa pamamagitan ng pagpunta mismo sa Japan.
Sa kasamaang palad, it was Jiro’s father who had refused to reunite with his son–bagay na ikinasama ng loob ni Ai Ai para kay Jiro who she treats like her own son.
Walong taon ding hindi nagkita sina Ai Ai at Jiro.
At kahit sabihing hirap sa buhay ay nakuha ni Jiro na magbigay ng munting regalo sa kanyang nanay-nanayan.
Jiro was last reported to have sold his Urian Best Actor trophy to Boss Toyo who bought it for P75,000.
Sa pelikulang Magnifico tinanghal na Best Actor si Jiro. Ronnie Carrasco III