Home NATIONWIDE Rescue ops ng PCG sa Bicol Region nagpapatuloy

Rescue ops ng PCG sa Bicol Region nagpapatuloy

MANILA, Philippines – Nagpapatuloy ang paglilikas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Region 5 bunsod ng paghagupit ng bagyong Kristine.

Mahigit 100 residente sa Brgy. Danicop sa Virac, Catanduanes at Brgy. Calangcawan Norte sa Vinzons, Camarines Norte ang inilikas ng PCG katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno.

Kasama sa mga inilikas sa Vinzons ay mahigit 20 bata at 1 sanggol.

Dahil sa matinding epekto ng bagyo, naka-alerto na ang mga DRG o deployable response groups ng PCG Bicol District para sa anumang kailangang tulong ng mga residente

Kasama na rito ang DRG 5 ng Coast Guard District Bicol na magsisilbing dagdag puwersa sa Ligao City, Albay.

Nagsimula kahapon, Martes, ang paglikas sa mga residenteng binaha sa ibat-ibang bahagi ng Region 5.

Magmula kahapon, tuloy tuloy ang paglilikas ng PCG sa mga binahang residente sa ibat ibang bahagi ng Region 5

Kasama dito ang mga tiga Pili at Milaor, Camarines Sur gayundin sa Bulan, Sorsogon at Legazpi City sa Albay. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)