Home METRO Grade 9 student arestado sa droga sa Taguig

Grade 9 student arestado sa droga sa Taguig

151
0

MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya ang isang lalaking Grade 9 student matapos makuhanan ng hinihinalang shabu sa Taguig noong Oktubre 21.

Naaresto ang 17-anyos na estudyante at isa pang suspek dakong alas-9:45 ng gabi. sa isinagawang foot patrol ng Taguig Police sa Barangay Ususan.

Ayon sa pulisya, ang estudyante ay na-tag bilang isang high value individual. Nakuha sa kanya ang isang plastic sachet ng shabu, na tumitimbang ng 80 gramo na nagkakahalaga ng P544,000.

Nakuha sa isa pang suspek na si alyas Alvin ang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000. Gayunpaman, nakatakas si Alvin matapos niyang manlaban sa pag-aresto at itulak ang isang pulis.

Nagsasagawa pa ng follow-up operations ang mga awtoridad para sa pagkakaaresto sa kanya.

Dinala ang mga iligal na droga sa Southern Police District Forensic Unit para sa chemical analysis.

Itinurn-over sa Department of Social Welfare and Development sa Taguig ang estudyante, na inuri bilang Child in Conflict with the Law.

Sasampahan siya ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here