Manila, Philippines – Oras lang ang pagitan nang kapanayamin ni Julius Babao si Ai Ai delas Alas sa tahanan nito sa Quezon City kamakailan.
The Comedy Concert Queen just got back from the US para dumalo sa graduation rites ng kanyang bunsong anak.
llang araw lang mamalagi sa bansa ang komedyante at balik na rin sa Amerika.
Ito’y pagsunod na rin sa payo ng kanyang abogado para mapabilis ang pagproseso ng kanyang mga dokumento para maging ganap na American citizen.
By third week of June ay nakatakdang magtanghal si Ai Ai sa gaganaping Parade & Festival sa New Jersey.
Practically, pabalik-balik lang sa US si Ai Ai.
Ngayon pa lang kasi ay pinaghahandaan na niya ang pamimirmihan doon.
Saad niya: “Pag settled na ako sa US, mae-enjoy ko ‘yung mga benefits tulad ng pagpapaospital, gamot, libre lahat. Eh, dito naman, wala akong matatanggap na pensyon. At least, after 10 years, secure ang buhay ko doon.”
Sa napakaraming beses na raw niyang pabalik-balik sa Amerika’y gamay na niya ang buhay roon when it was initially difficult.
Lahat daw kasi’y dapat mong kayaning gawin, kahit ang simpleng paggo-grocery.
“Pero pag lumalabas ako, I make sure na lagi akong maganda. Naka-lipstick ako lagi! Ha!На! Ha!” pagbibida niya.
Sa totoo lang daw, sumagi na sa isip ni Ai Ai to permanently settle in the US noong hindi na ini-renew ng ABS-CBN ang kanyang kontrata.
“Taong 2015 ‘yon…sa loob-loob ko, paano na ako mabubuhay niyan, ako pa naman ang breadwinner sa pamilya namin. Buti na lang, pinagkatiwalaan ako ng GMA,” pagbabalik-tanaw ni Ai Ai.
Hindi nangiming aminin ng komedyana ang sakit na idinulot niyon sa kanya: “Ang sakit-sakit!
Para bang ito ba ang mangyayari matapos kong mahalin ang trabaho ko at mahalin ang pinagtatrabahuhan ko?”
But Ai Ai has already bounced back.
Naging matalino na rin daw siya sa pagpasok ng negosyo: “Kasi, ‘yung mga kainan na tinayo ko, flop! Du’n naubos ang pera ko not knowing na ang magsasalba pala sa akin, eh, ‘yung pandesal business ko!” Ronnie Carrasco III