Home ENTERTAINMENT Ai Ai, matagal nang amoy ang gender ni Rustom!

Ai Ai, matagal nang amoy ang gender ni Rustom!

Manila, Philippines- Dumaan sa maraming pagsubok ang pagkakaibigan nina Ai Ai delas Alas at Rustom Padilla ( na ngayon ay BB Gandanghari na).

Ayon kay BB sa vlog nito, jologs na jologs daw si Ai Ai nang makilala niya ito.

Katunayan, noong manood daw sila noon ng concert, keber daw ito na mawala ang poise para raw mag-cheer sa mga idolong pinapanood nila.

Siya rin daw ang nagpakilala sa komedyana sa mga altang kaibigan tulad ni Pops Fernandez at iba pa.

Dagdag pa niya, kilalang-kilala raw nila ang isa’t isa kaya wala nang ilangan sa kanila.

Sey naman ni Ai Ai, noon pa man daw ay naaamoy na niya si Rustom kahit hindi pa lumalantad ito.

Malakas daw kasi ang gaydar niya pagdating sa pagkilatis ng mga lalake.

May mga hombre raw kasing nakikipag-close sa kanya pero ang intensyon ay makatsuktsakan siya.

Si Rustom din daw ang tipo ng kaibigang pinapayagan niyang okrayin siya o batukan siya na hindi siya mao-offend.

Never din daw pumasok sa isip niya na pagnasaan ito o maka-one night stand niya.

Kumbaga, bukod sa walang filter, nandoon ang respeto sa kanilang friendship.

Kahit nga raw hindi sila nagkita nang matagal, masasabing may pundasyon na ang kanilang pagkakaibigan.

Pagdating naman sa kanilang common friends, never daw siyang nangutang sa mga ito.

Bukod sa nahihiya, wala raw sa personalidad niya ang humingi ng pabor sa mga kaibigan.

Minsan daw kasi ay nagiging mitsa pa ng pagkakaibigan ang pagkakaroon ng utang sa mga taong kakilala mo. Archie Liao