Home NATIONWIDE Comelec muling nagsagawa ng ‘trusted build’ sa ACMs

Comelec muling nagsagawa ng ‘trusted build’ sa ACMs

MANILA, Philippines- Muling nagsagawa ng ‘trusted build’ noong Sabado ang Commission on Elections (Comelec) para sa automated counting machines (ACMs) na gagamitin sa midterm elections.

Sinaksihan naman ng mga kinatawan mula sa Miru Systems at election watchdog group ang nasabing proseso.

Layon ng trusted build na tiyakin ang matumpakan, transparency, reliability at seguridad ng ACM.

Ayon kay Comelec Commissioner Nelson Celis, lahat ng posibleng bugs maging ang mga backdoor ay sinusuri ng souce code reviewers.

“‘Yung mga backdoor baka may pasukin doon ‘yung hasker. ‘Yung reliability dapat tumatakbo ‘yan nang maayos,”dagdag pa ni Celis.

Sinabi ni PPCRV National Coordinator Dr. Arwin Serrano na kuntento naman sila sa ngayon at marami na rin pwedeng mga mairerekomenda na para sa 2028 national at local elections na mas aagahan yung mga proseso na ito.

Sinisikap ng Comelec na makakuha ng sertipiaksyon para sa automated election system sa lalong madaling panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden