Home ENTERTAINMENT Ai, may reac sa NCAP!

Ai, may reac sa NCAP!

213
0

Manila, Philippines- Kung marami ang nagalit sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) ay ikinasaya naman ito ni Ai Ai Delas Alas. At sinuportahan nga niya ang bogong sistema ng trapiko na ipinatupad na rin sa Commonwealth Avenue sa QC.

Sa kanyang post sa social media ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin sa bagong sistema trapiko.

“Nakakatuwa na tayong mga Pilipino ay natututo na ng disiplina.

“Tama ang nakaisip nito, isa ito sa dahilan na nagsimula na akong matutong mag-drive sa Amerika.

“Nahihirapa na kasi ako mag-drive dito dahil nga biglang sumusulpot sa kanan at kaliwa ang mga sasakyan at motor.

“At least ngayon, susunod ka na sa lane and kung hindi, ticket ang maghe-hello sa yo.

“Wala ng paliwanag, bayad ka and sana sa TikTok, imbis na alaskahin nyo yung mga sumusunod dapat nga matuwa kayo and i-encourage sila na sumusnod lalo.

“May isa pa kong nabasa sa comment na bakit ang mahihirap daw pinahihirapan lalo na ang mga motor. Sa totoo lang, maraming mayaman ang naka-motor hello…

“Jusko kuya, ano bang mentalidad yan, ang disiplina hindi lang pangmahirap, pang-kalahatan yan.

“Discipline isn’t just for the poor—it’s a responsibility for everyone.

“A truly great country is built when all its citizens uphold order, respect, and become responsible. Sa wakas mukang makaka-drive na ako ulit sa Pilipinas.

“Pero ire-renew ko muna ang lisensya ko.

“Anyways, congrats sa nagpatupad nito.”

Very well said Ms. Ai Ai. Siguro naman ay mababawasan na ang matinding trapiko.

Yun lang and I thank you. Mercy Lejarde

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here