Home NATIONWIDE Plano ng kampo ni Duterte para sa ICC release inilatag

Plano ng kampo ni Duterte para sa ICC release inilatag

MANILA, Philippines- Inilahad ni Vice President Sara Duterte ang plano ng defense legal team ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na gamitin ang Dutch law para sa kanyang pansamantalang paglaya mula sa detensyon sa International Criminal Court (ICC).

Sa pahayag nitong Martes sa labas ng Scheveningen Prison sa The Hague, Netherlands, kung saan binisita nila ng kanyang ina na si Elizabeth Zimmerman ang nakatatandang Duterte, ibinahagi ng Bise Presidente ang tungkol sa kanilang legal plans.

“And then one of the discussions as well was your suggestions, spokes, no? To go through the Dutch laws. Which he said, okay, you explore that,” aniya nang tanungin ukol sa pinag-usapan nila ng kanyang ama sa kanyang pagbisita.

Tinutukoy ng opisyal si dating presidential spokesman Harry Roque, na nakaisip ng ideya at kasama niya sa media interview.

Idinagdag ng nakababatang Duterte na pinag-usapan din nila ng kanyang ama na ang posibilidad ng kanyang paglaya ay isang “public knowledge” at pumayag ang kanilang mga abogado na ibahagi ito.

“And then sabi ko, I can do that while I’m back in the Philippines, na online na lang yung pag-aasikaso,” wika niya.

“Kung ano yung alam na ng lahat, yun lang din yung sinasabi namin para wala kaming ano,” aniya pa.

Noong nakaraang buwan, hinamon ng legal team ng dating Pangulo ang hurisdiksyon ng ICC sa pag-aresto sa kanya dahil sa umano’y crimes against humanity na pagpatay kaugnay ng war on drugs campaign ng kanyang administrasyon. RNT/SA