MANILA, Philippines- Nasa kustodiya na ng National Bureau o Investigation (NB) ang suspek sa pagpataay sa isang abogado an si Joey Luis Wee sa Cebu City noong 2020.
Kinilala ng NBI ang suspek na si Manuelito Melia Camacho na natuklasang nakadetine sa Airport Police sa Pasay City.
Ang International Airport Investigation Division (NBI-IAID) ang nagsilbi ng arrest warrant na inisyu ng Cebu City regional trial court laban kay Camacho.
Bago malipat sa kustodiya ng NBI-IAID, sinabi nga ahensya na ang suspek ay gumamit ng pangalang Jay-R Reyes habang nakaditine sa Airport Police para sa theft, unjust vexation at resistsnce and disobedience to a person in authority.
Sa panahon ng kanyang pagkakakulong sa detention facility ng Airport Police, sinabi ng NBI na nag-away ang supek at partner nito kung saan naibulgar na ang tunay na pangalan ni Jay-R ay Manuelito Melia Camacho o kilala rin bilang si Monching.
Ang nasabign rebelasyon ang nagtulak sa pamunuan ng Police Intlligence and Investigation Division (PIID) ng Airport Police na iberipika ang pagkakilanlan ng detinado.
Nang iberipika, nalaman na may warrant of arrest sa kasong murder si Monching na inisyu ng RTC Branch 10, Cebu City. Jocelyn Tabangcura-Domenden