Home NATIONWIDE ‘Food boat’ ilulunsad ng BFAR bilang suporta sa mga mangingisdang Pinoy sa...

‘Food boat’ ilulunsad ng BFAR bilang suporta sa mga mangingisdang Pinoy sa WPS

MANILA, Philippines- Nakatakdang ilunsad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang “food boat” para mas masuportahan ang pangkabuhayan ng mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea (WPS).

Ang food boat ay magbibigay kapwa ng logistics support at direct market linkage, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang local productivity at tulungan ang mga mangingisdang pinoy sa bansa.

Ang vessel ay magiging katulad ng bagong inilunsad na joint project kasama ang Philippine Coast Guard (PCG), tinawag na “Kadiwa ng Bagong Bayaning Magsasaka (KBBM)” program sa Palawan.

Sinabi ni BFAR spokesperson Nazario Briguera na mahigit P20 milyong halaga ng food boats ang gagawing available sa mga Pilipinong mangingisda sa pagtatapos ng taon o sa unang bahagi ng 2026.

“May barko ang BFAR na pupunta doon sa laot at may kakayahan ito na magsagawa rin ng mga yelo on board, iyong mga slurry ice para mas ma-preserve iyong huli ng ating mga mangingisda,” ang sinabi ni Briguera sa isang panayam ng Philippine News Agency.

“Ito rin ang magiging logistic support doon sa mga mangingisda sa pamamagitan ng pagdala sa merkado ng kanilang mga huli,” dagdag niya.

Karga ng food boat ang kapasidad na 20 metric tons (MT) kada linggo, na makatutulong sa mga Filipino fishing vessels, partikular na sa panahon ng peak fishing season.

Ang bago pa lamang na inilunsad na KBBM, ay mapakikinabangan ng halos 1,000 mga mangingisda sa WPS dahil saklaw nito ang ‘operational costs, ipagkakaloob na fuel at ice subsidies, at market linkage.’

Ani Briguera, ang KBBM, sa pamamagitan ng  MV Mamalakaya ng PCG, ay magdadala ng sariwang isda na nahuli ng mga mangingisda sa karagatan sa mga pangunahing daungan sa Zambales, Navotas, at mga kalapit-lugar ng sa fishing grounds ng WPS.

Aniya, ito ang unang pagkakataon na nagpatupad ang gobyerno ng estratehiya na magpapalakas sa kabuhayan ng mga Pilipinong mangingisda at tulungan na bawasan ang post-harvest losses.

“Ang advantage po nito, mababawasan iyong operational cost ng ating mga mangingisda dahil hindi na kinakailangan na bumalik na kaagad sila sa pampang para madala ang kanilang mga huli,” ayon kay Briguera.

“Kundi doon sa pamamagitan ng barko ng PCG ay mismo bibilihin na yung kanilang mga huli,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa ni Briguera na “the WPS production accounts for 13 percent of the country’s total annual production on average.”

Samantala, sinabi naman ng Department of Agriculture (DA) na ang KBBM ay ipatutupad sa ‘three phases’ hanggang 2027.

Kabilang dito ang Kalayaan Group of Islands para sa first phase; Bajo de Masinloc para sa Phase 2 sa 2026; at bahagi ng Northern Luzon, partikular na sa Benham Rise sa 2027 para sa ‘last phase.’ Kris Jose