Home TOP STORIES Aide ng solon nahaharap sa kasong paglabag sa Terrorism Financing Act

Aide ng solon nahaharap sa kasong paglabag sa Terrorism Financing Act

Nahaharap ang top aide ni Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco Jr. sa kasong paglabag sa Republic Act 10168, o “Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012,” umano’y pagbibigay ng pagkain at pera sa teroristang grupo na New People’s Army (NPA).

Inakusahan si Benjie Tocol ng paglabag sa Sections 4 at 8 (ii) ng RA 10168, batay sa kasong isinumite ng Criminal Investigation and Detection Group Aklan Provincial Field Unit (CIDG-PFU), na kinatawan ni PMSG Bella Ladera.

Inihain ni Ladera ang reklamo laban sa aide ni Haresco, kasama sina Rosanna Inaudito, alias Ka Dayan/Ann-Ann, at Jose Edwin Guillen, na kinilala bilang officer ng Coronacion Chiva “Waling-Waling” Command ng NPA sa Panay Region, sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) sa Maynila.

Ayon sa reklamo, ibinulgar ni Brince Gegodas, isang naarestong miyembro ng NPA, na inutusan umano siya ng tauhan ni Haresco na maghatid ng pera at grocery kay Guillen sa Ceres Terminal sa Kalibo, Aklan, noong Abril 2023.

Sa entrapment operation na humantong sa paghuli kay Gegodas.

Matapos pumayag sa plea bargaining agreement, ipinakita umano ni Gegodas sa awtoridad ang call logs para suportahan ang kanyang testimonya. RNT