Home METRO Dating call center agent natagpuang-patay sa Bacolod

Dating call center agent natagpuang-patay sa Bacolod

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng pulisya ang pagkamatay ng dating call center agent kung saan ang bangkay nito ay natagpuan sa Hacienda Nilo Lizares, Barangay Matab-ang, Talisay City, Negros Occidental nitong Linggo, Enero 12.

Kinilala ang biktima na si Carl Kimberlyn Degabi, 31, at residente ng Eroreco Subdivision in Barangay Mandalagan, Bacolod City, na natagpuan ang bangkay nitong walang pang-ibaba, sa damuhan sa gilid ng kalsada.

Ayon kay Major Russel Jim Jocson, Talisay City deputy police chief, tinitingnan nila ang posibilidad na ginahasa ang biktima.

Tinitingnan din nila ang posibleng kaugnayan ng biktima sa scamming incidents na naging motibo sa krimen.

Todo hinagpis naman ang pamilya ng biktima at sinabing hindi patas ang paratang laban sa kanya.

“We are grieving, and we are trying to find justice for her. All we ask is for people to stop the cruelty, to stop spreading falsehoods, and to allow us to mourn in peace. Evil knows no bounds when it claims its victims. Let’s not forget that,” dagdag pa. RNT/JGC