MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa 73 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P8,760,000 sa isang abandonadong sasakyan sa Santol, La Union.
Kinilala ni PDEA RO 1 Regional Director, Director III Joel B Plaza, ang mga suspek na nag-abandona ng sasakyan na sina Felmen Day-os Aliles Jr., alias Dondon; at Amado Paycao alias Amado A. Gante Jr., kapwa residente ng Barangay Sasaba, Santol, La Union.
Pinaghahanap pa rin ngayon ang dalawang suspek. RNT