Home HEALTH AIDS pandemic nagbabadya sa US aid ban

AIDS pandemic nagbabadya sa US aid ban

Nanganganib muling lumala ang pandemya ng AIDS sa buong mundo dahil sa biglaang pagtigil ng tulong pinansyal mula sa US, ayon kay UNAIDS executive director Winnie Byanyima.

Kung hindi maibabalik ang pondo o makahanap ng ibang suporta, maaaring tumaas ng 6.3 milyon ang bilang ng mga namamatay sa AIDS sa loob ng apat na taon.

Ang US, na dating pinakamalaking donor ng tulong sa AIDS, ay nagbawas ng pondo sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Donald Trump. Dahil dito, naapektuhan ang paggamot sa HIV sa 27 bansa sa Africa at Asya, kasama ang kakulangan ng kawani, pagsusuri, at mga surveillance system.

Pinuri ni Byanyima ang PEPFAR, isang US programang nakapagsalba ng 26 milyong buhay, at binigyang-diin ang bagong gamot na lenacapavir na may 100% bisa laban sa HIV.

Hinimok niya si Trump na ibalik ang pondo, dahil bukod sa pagsalba ng buhay, makakatulong ito sa ekonomiya ng Amerika. RNT