Home ENTERTAINMENT AJ, nag-throwback, kinalbo ng tatay!

AJ, nag-throwback, kinalbo ng tatay!

161
0
xr:d:DAEyYdk1-os:8757,j:44346693318,t:23033104

Manila, Philippines – Magkakaiba man ng mga ina, mahigpit na bilin ni Jeric Raval sa kanyang 18 anak–walang illegitimate o anak sa labas.

Nais ni Jeric na magturingan silang magkakapatid o kadugo.

Blood is blood daw, anuman ang mangyari’t bali-baligtarin man ang mundo.

Pagbabalik-tanaw ni AJ, she grew up playing with who she thought were her cousins.

Mga kapatid pala sa ama ang mga kalaro niya.

Ganoon daw ang value na gustong ipamulat ni Jeric.

Ang nakakaaliw, minsan daw ay pinagtripan sila ng amang action star.

Kinalbo silang 18 lahat!

“Sakay kaming lahat magkakapatid sa isang pick-up, paikut-ikot sa bayan…para kaming shaolin! Ewan ko sa trip ng tatay ko!” kuwento ni AJ sa podcast na Your Honor. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here