MANILA, Philippines – Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta dahil magsasagawa ng pagkukumpuni ng kalsada ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang bahagi ng Quezon City mula May 1 hanggang May 31.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang:
Quezon Avenue, EDSA Tunnel (outer lane) – road reblocking at repairs
(May 1, 11 p.m. hanggang May 4, 5 p.m.)
C-5 Katipunan Avenue (southbound), mula UP Town Center hanggang C.P. Garcia Avenue – rotomilling at asphalt overlay
(11 p.m. tuwing Biyernes hanggang 5 a.m. tuwing Lunes, May 1–31)
E. Rodriguez Sr. Avenue, mula Mariblo Bridge hanggang G. Araneta Avenue – asphalt overlay
(11 p.m. hanggang 5 a.m., May 1–7)






