Home METRO Pagbuga ng lava ng Mayon, umabot sa 3.8km

Pagbuga ng lava ng Mayon, umabot sa 3.8km

120
0

ALBAY, Philippines – Umabot na sa 3.8 kilometro ang daloy ng lava mula sa Mayon Volcano sa loob ng nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Sa ulat, sinabi ng PHIVOLCS na patuloy ang pag-agos ng lava (lava effusion). Sa Basud gully, umabot ito sa 3.8 km, habang sa Bonga gully ay 3.2 km, at sa Mi-isi gully ay 1.6 km.

Naitala rin ang episodic minor strombolian activity at panandaliang lava fountaining.

Nakapagtala ang PHIVOLCS ng 39 volcanic earthquakes noong Biyernes, kabilang ang 21 volcanic tremors na tumagal mula 1 hanggang 44 minuto. Mayroon ding 376 rockfall events.

Patuloy ding nakikita ang crater glow at nakapagtala ng 2,147 tonelada ng sulfur dioxide na ibinuga ng bulkan. Ang usok ay umabot hanggang 200 metro ang taas bago kumalat sa kanluran at karatig direksyon.

Nananatili ang Alert Level 3 (Intensified Unrest/Magmatic Unrest) sa Mayon.

Pinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) at ang paglipad ng sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.

Nagbabala ang PHIVOLCS sa posibleng panganib tulad ng pagguho ng bato o landslide, paglipad ng bato (ballistic fragments), pagdaloy at pagsabog ng lava, pyroclastic density currents, katamtamang pagsabog, at lahar lalo na kapag may malakas na ulan.

Patuloy ang mahigpit na pagbabantay sa bulkan dahil sa umiiral na aktibidad nito. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here