Home NATIONWIDE Alamin: Ilang kalsadang isasara sa Enero 24-27 sa QC, Pasay

Alamin: Ilang kalsadang isasara sa Enero 24-27 sa QC, Pasay

May mga kalsada sa Quezon City at Pasay City ang isasara dahil isasailalim sa pagkukumpuni ngayong weekend, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Mula 11:00 ng gabi ng Biyernes, Enero 24, hanggang 5:00 ng umaga ng Lunes, Enero 27, magsasagawa ng road re-blocking at pagkukumpuni ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga sumusunod na lugar:

Sa Quezon City, kabilang sa mga maaapektuhang daan ang Payatas Road matapos ang Amlac Ville, Luzon Avenue Service Road sa harap ng Puregold, at G. Araneta Avenue sa kanto ng P. Florentino Street (lahat ay outer lanes).

Sa Pasay City naman, sa southbound fifth lane ng EDSA sa pagitan ng Zamora Street at Taft Avenue isasagawa ang mga gawain.

Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta habang isinasagawa ang mga pagkukumpuni. Santi Celario