Home HOME BANNER STORY Kapiranggot ng oil price rollback, nakaumang

Kapiranggot ng oil price rollback, nakaumang

MANILA, Philippines – AASAHAN ng mga motorista ang pagbaba ng presyo ng petrolyo sa susunod na linggo matapos ang tatlong sunod-sunod na pagtaas ng presyo ngayong taon.

Ayon sa Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), posibleng bumaba ang presyo ng gasolina ng ₱0.70 hanggang ₱1.00 kada litro, diesel ng ₱0.20 hanggang ₱0.55 kada litro, at kerosene ng ₱0.40 hanggang ₱0.50 kada litro.

Ang rollback ay dulot ng muling pagbubukas ng mga refinery at port sa US Gulf Coast matapos ang winter storm, pati na rin ang epekto ng mga pandaigdigang kalakalan at iminungkahing taripa ng US sa ekonomiya at demand sa enerhiya.

Ayon sa datos, nagkaroon ng kabuuang pagtaas na ₱3.45 kada litro sa gasolina, ₱5.00 sa diesel, at ₱4.30 sa kerosene ngayong taon. Ang pinal na presyo ay iaanunsyo matapos ang kalakalan sa Enero 24, kasama ang gastos sa operasyon ng mga kumpanya ng langis. RNT