MANILA, Philippines – Ilang kalsada ang isasara bukas, Enero 13, 2025 para magbigay-daan sa National Rally for Peace ng Iglesia ni Cristo na gagawin sa Quirino Grandstand.
Ang mga sumusunod na kalsada ay sarado simula alas-4 ng umaga ng Enero 13, ayon sa Manila Public Information Office:
> Katigbak Drive at South Drive
> Independence Road
> North at South bound ng Roxas Blvd. mula Katigbak Drive hanggang U.N. Ave.
> North at South bound ng Bonifacio Drive mula Katigbak Drive hanggang Anda Circle
> P. Burgos Ave. mula Victoria St. hanggang Roxas Blvd.
> Ma. Orosa St. mula P. Burgos Ave. hanggang U.N. Ave
> Finance Rd. mula P. Burgos Ave. hanggang Taft Ave.
> Gen. Luna Roundtable
> Kalaw Ave. mula Taft Ave. hanggang Roxas Blvd.
Inaabisuhan naman ang mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta na ibinigay ng Manila LGU. RNT/JGC