Home METRO Alamin: Saradong kalsada, alternatibong ruta sa Maynila simula Peb. 25

Alamin: Saradong kalsada, alternatibong ruta sa Maynila simula Peb. 25

152
0

MANILA, Philippines – Pansamantalang isasara ang ilang pangunahing kalsada sa Maynila simula alas-12 ng madaling-araw ng Pebrero 25, kasabay ng pagpapatupad ng rerouting schemes, ayon sa Manila Police District (MPD).

Sa traffic advisory, sinabi ng mga awtoridad na maaapektuhan ang mga lugar kabilang ang Ayala Bridge, Liwasang Bonifacio, at paligid ng Mendiola, kaya pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta.

Kabilang sa mga isasara ang Ayala Bridge at eastbound lane ng Ayala Boulevard mula San Marcelino Street hanggang Romualdez Street. Isasara rin ang Magallanes Drive mula Jones Bridge hanggang McArthur Bridge malapit sa Liwasang Bonifacio, pati ang bahagi ng C.M. Recto Avenue mula N. Reyes Street hanggang Mendiola at Legarda Street mula Figueras Street hanggang San Rafael Street.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta tulad ng Taft Avenue, United Nations Avenue, P. Burgos Avenue, Earnshaw Street, at S.H. Loyola Street depende sa kanilang destinasyon.

Nagbabala ang MPD na inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga apektadong lugar at hinimok ang publiko na sundin ang traffic signs at mga nakatalagang personnel. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here