Home METRO Construction worker tigok sa bumagsak na scaffolding

Construction worker tigok sa bumagsak na scaffolding

185
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang construction worker matapos matamaan ng bumagsak na scaffolding sa isang construction site sa Daang Bakal Street, Barangay Maly, San Mateo, Rizal noong Pebrero 23.

Ayon sa pulisya, ang biktima, na assistant construction worker, ay nagtatrabaho kasama ang kanyang ama bandang alas-8 ng umaga nang biglang bumagsak ang elevated portion ng istruktura, partikular ang scaffolding, at tumama sa kanya na nagdulot ng matinding pinsala sa kanyang katawan.

Agad siyang isinugod ng kanyang ama sa Casimiro A. Ynares Sr. Memorial Medical Hospital ngunit idineklarang patay makalipas ang ilang oras dahil sa traumatic injuries.

Patuloy ang imbestigasyon ng San Mateo Municipal Police Station upang matukoy kung may kapabayaan at pananagutan, kabilang ang posibleng paglabag sa Article 365 ng Revised Penal Code o Reckless Imprudence Resulting in Homicide. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here